Large-scale war games ihihinto na ng US at South Korea

By Rhommel Balasbas March 04, 2019 - 02:06 AM

Kinumpirma ng Estados Unidos at South Korea na ihihinto na nila ang pagsasagawa ng large-scale joint military exercises na lagi umanong ikinagagalit ng North Korea.

Ayon sa defense ministers ng dalawang bansa, ang desisyon ay bilang pagsuporta sa mga pagsusumikap para sa denuclearization ng Korean Peninsula.

Ang ihihinto ay ang Foal Eagle at Key Resolve exercises.

Matatandaang katatapos lamang ng second summit nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa Vietnam.

Marami ring military exercises ang sinuspide noong nakaraang taon buhat nang magpulong sina Trump at Kim.

Naniniwala ang North Korea na ang military games ng South Korea at US ay paghahanda para sa military invasion.

Samantala, wala namang napagkasunduan sa summit nina Trump at Kim sa Vietnam

Ito ay dahil ayon kay Trump, nais ng North Korea na alisin ang lahat ng economic sanctions laban sa kanilang bansa bago ang denuclearization.

TAGS: Korean peninsula denuclearization, military games, north korea, south korea, United Stated, Korean peninsula denuclearization, military games, north korea, south korea, United Stated

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.