Malacañang: Hindi lomobo ang bilang ng drug addicts sa bansa

By Chona Yu March 04, 2019 - 12:00 AM

File photo

Nilinaw ng palasyo ng Malakanyang na hindi lumobo ang bilang ng mga drug addicts sa bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang binabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pito hanggang walong milyong drug addict ay ang kabuuang bilang ng mga Filipino sa buong bansa na lulong sa illegal na droga.

Dagdag ni Panelo, ang tatlong milyong drug addict na tinutukoy noon ng pangulo ay ang bilang ng mga drug addict na nasa Metro Manila lamang.

Giit ni Panelo, maituturing na matagumpay pa rin ang kampanya ng pangulo kontra sa illegal na droga.

Wala aniyang pangulo ng bansa ang makapapantay sa accomplishment ng pangulo kung saan mahigit isang milyong drug addict ang kusang sumuko sa pamahalaan.

Pero aminado si Panelo na marami pa ring paraan para makapasok ang illegal na droga dahil sa dami ng isla ng pilipinas.

Mahirap aniyang bantayan ito dahil sa dami ng entry point.

TAGS: drug addicts, illegal drug trade, drug addicts, illegal drug trade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.