America nagpalipad ng ‘unmanned capsule’ papuntang space station
Isang unmanned capsule lulan ng SpaceX Falcon 9 rocket ang pinalipad ng Estados Unidos patungong International Space Station araw ng Sabado.
Sakay lamang ng naturang capsule ang life-size test dummy na pinangalanang si Ripley hango sa pangalan ng lead character sa pelikulang “alien’.
Layon ng test flight na masuri kung kayang maglagay ng crew sa Dragon capsule sa taong ito.
Inaasahang ngayong umaga ng Linggo ay makararating sa space station ang Dragon capsule o 27 oras matapos ang liftoff.
Mananatili sa kalawakan ng limang araw ang capsule na sasailailim sa tests at inspeksyon nina US astronaut Anne McClain at Canadian astronaut David Saint-Jacques.
Walong taon na ang nakalilipas nang makapagpadala ng astronauts sa kalawakan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.