DILG: 5 milyong kilo ng basura nakuha sa Manila Bay

By Rhommel Balasbas March 03, 2019 - 01:44 AM

Aabot sa halos limang milyong kilo ng basura ang nakuha sa Manila Bay mula nang umpisahan ang rehabilitasyon nito noong January 27 ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, bagama’t mas malinis na ang dagat ngayon, hindi pa rin ito ligtas para languyan.

Giit ng kalihim dapat munang maisara ang mga kumpanya na nagtatapon ng dumi sa mga kanal na dumidiretso sa Manila Bay.

Umaarangkada rin anya ang proseso para mailipat ang mga informal settlers sa paligid ng dagat na itinuturong may malaking ambag sa mga basura.

Matatandaang ipinag-utos na rin ng DILG sa 178 lokal na pamahalaan na tumulong sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

TAGS: 5 mlyon, Basura, informal settlers, Interior Secretary Eduardo Año, Manila Bay, rehabilitasyon, 5 mlyon, Basura, informal settlers, Interior Secretary Eduardo Año, Manila Bay, rehabilitasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.