Hinikayat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang publiko na huwag nang palakihin ang momo challenge.
Ayon kay NCRPO chief Police Major General Guillermo Eleazar, dapat mag-focus ang mga magulang sa pagbantay sa paggamit ng kanilang mga anak ng social media at pabayaan na lang ang momo challenge.
Tila nabigyan anya ng atensyon o publicity ang challenge na nagkaroon ng troll ideas.
Paliwanag ni Eleazar, napakaliit lamang ng ebidensya at parang kumalat lang ito, dahilan ng panic ng publiko.
Naging exaggerated anya ang isyu gayung hindi ito malaking problema.
Inihalintulad ni Eleazar ang momo challenge sa ibang nakalipas na hoax na nagkaroon lamang ng publicity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.