M4.7 na lindol yumanig sa Ilocos Sur

By Rhommel Balasbas March 02, 2019 - 06:20 AM

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Ilocos Sur kaninang alas-4:51 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong dalawang kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Sigay.

May lalim itong 100 kilometro at tectonic ang dahilan.

Una nang sinabi ng Phivolcs na may lakas itong magnitude 4.9 ngunit ibinaba sa magnitude 4.7

Naitala ang instrumental Intensity II sa Vigan City.

Hindi naman inaasahang magdudulot ito ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

TAGS: Ilocos Sur, Magnitude 4.7 quake hits Ilocos Sur, Ilocos Sur, Magnitude 4.7 quake hits Ilocos Sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.