Natupok ng apoy ang P5 milyong halaga ng oil palm sa isang plantasyon sa Arakan, North Cotabato.
Ayon kay Senior Fire Officer Ronadl Valle, Arakan Bureau of Fire Protection spokesperson, nagsimula ang sunog Huwebes ng tanghali pero naipaalam lang sa Bureau of Fire Protection-Arakan pasado alas 4:00 ng hapon.
Ang plantasyon ay 10 kilometro ang layo mula sa bayan.
Makalipas ang dalawang oras ay ideneklarang fire out ang sunog.
Ang plantasyon na pag-aari ng isang negosyante mula sa Matalam, North Cotabato ay nasa tri-borders ng Arakan, North Cotabato, bayan ng Quezon sa Bukidnon at Marilog District sa Davao City.
Ayon sa mga testigo, may nakita silang nagsunog ng tuyong mga dahon na hindi nakontrol at umabot sa plantasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.