Manukan, Zamboanga Del Norte niyanig ng lindol
Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Manukan sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 2 kilometers Northwest ng bayan ng Manukan, ala-1:41 hapon ng Biyernes (March 1).
May lalim na 7 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala naman ang intensity III sa Manukan, Zamboanga del Norte, intensity II sa Dipolog City, at Katipunan, Zamboanga del Norte at intensity I sa Ipil, Zamboanga Sibugay.
Samantala, nakapagtala rin ng instrumental Intensity II sa Dipolog City, Zamboanga del Norte at intensity I sa Zamboanga City.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.