Dayuhan arestado sa NAIA sa paggamit ng pekeng passport

By Dona Dominguez-Cargullo March 01, 2019 - 12:36 PM

Inaresto ng Bureau of Immigration ang isang Syrian national dahil sa pagtangka nitong pumasok sa bansa gamit ang Kiribati passport.

Ayon kay BI Port Operations Chief Grifton Medina, ang dayuhan na si Al Naasan Ibrahim ay naharang sa NAIA Terminal 1 matapos dumating sa bansa galing Kuala Lumpur sakay ng Malaysian Airlines.

Ipinakita ni Ibrahim sa immigration officers ang kaniyang Kiribati passport nang siya ay dumating.

Sa isinagawang secondary inspection at interview sa dayuhan, inamin niya ang kaniyang totoong nationality at saka ipinakita ang kaniyang Syrian passport na nakatago sa bagahe.

Ayon kay Medina, gagamitin dapat talaga ni Ibrahim ang kaniyang Kiribati passport sa pagputan niya sa Sweden para mag-aral.

Nabili umano niya ang pasaporte sa isang Jordanian na naka-base sa Cambodia sa halagang US$5,000.

Nakakulong sa BI denteion facility sa Bicutan ang dayuhan habang hinihintay ang deportation proceedings sa kaniya.

TAGS: Kiribati Passport, NAIA, Syrian National, Kiribati Passport, NAIA, Syrian National

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.