LTFRB, magpapalabas ng show cause sa operator ng naaksidenteng jeep sa Antipolo

By Dona Dominguez-Cargullo March 01, 2019 - 11:57 AM

Pagpapaliwanagin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng naaksidenteng pampasaherong jeep sa Antipolo City.

Umabot sa 18 katao ang nasugatan sa nasabing aksidente.

Ayon kay LTFRB Executive Dir. Atty. Samuel Jardin, magpapalabas ng show cause order ang ahensya.

Ito ay para pagpaliwanagin ang operator at driver ng jeep kung bakit hindi sila dapat mapatawan ng parusa matapos ang aksidenteng kinasangkutan.

Nasugatan sa aksidente ang mga pasahero ng jeep matapos itong tumagilid habang binabagtas ang Marcos Highway noong Huwebes ng umaga.

Minamaneho ito ng driver na si Rogelio Andres Narito.

Ayon kay Narito mayroong isang motorsiklo na sumalubong sa jeep kaya iniwasan niya ito hanggang sa mawalan ng kontrol at tumagilid.

TAGS: jeep accident, ltfrb, Marcos Highway, show cause order, jeep accident, ltfrb, Marcos Highway, show cause order

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.