14 sugatan sa pagbulusok ng elevator sa PBCom Tower sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo March 01, 2019 - 08:31 AM

Labingapat ang nasugatan matapos na bumagsak ang isang elevator sa PBCom Tower sa Makati City habang lulan ang nasa 28 katao.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Makati City Chief of Police, Supt. Rogelio Simon, nangyari ang insidente sa pagitan ng 10:20PM hanggang 10:30PM kagabi (Feb. 28).

Base aniya sa panayam ng Makati Police sa mga biktima, sumakay ang mga empleyado sa 52nd floor ng gusali, normal naman ang pagbaba ng elevator hanggang 47th floor pero mula doon ay nag-malfunction na ang elevator.

Mula sa 47th floor hanggang sa ground floor hindi na naging maayos ang pagbaba ng elevator at nagkaroon ng pabigla-biglang pagbaba at paghinto, pero gumana naman ang emergency break system nito.

Ayon kay Simon, overloaded ang elevator at service elevator lamang ito na hindi intended para gamitin o sakyan ng mga tao.

Sinabi ni Simon na pawang minor injuries lamang ang tinamo ng 14 na nasugatan na karamihan ay empleyado ng kumpanyang Huawei na kinabibilangan ng mga Pinoy, Chinese at Malaysians.

Dumaing sila ng pagkahilo, ang iba ay nagkauntugan at ang iba ay nagsuka.

Sinabi ni Simon na taliwas sa mga kumakalat sa social media na may mga nabalian at may mga labas pa ang buto sa mga biktima, ay wala naman aniyang nagtamo ng seryosong sugat.

TAGS: elevator, elevator accident, makati city, PBCom, Radyo Inquirer, elevator, elevator accident, makati city, PBCom, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.