‘Safe Kam’ sa Caloocan

June 24, 2015 - 03:12 PM

11637887_10153101640088318_1006767216_n
Kuha ni Jan Escosio

Muling nagkabit ng mga CCTV camera ang Philippine National Police sa  mga lansangan sa Metro Manila para ipantapat sa mga masasamang loob.

Sa second phase ng ‘Project Safe Kam’,  34 na security camera ang inilagay ng mga PNP sa paligid ng Monumento sa Caloocan City.

Ayon kay DILG Secretary Mar Roxas, isa ang Monumento sa Caloocan City sa Top 5 crime-prone areas sa kalakhang Maynila.

Sa pinakahuling datos aniya, mula sa 28 kaso ng robbery at iba pang uri ng krimen sa lugar, ay bumaba na ito sa 10 kada linggo matapos ilunsad ang Oplan Lambat-Sibat ng PNP.

Gayunman, umaasa si Roxas na sa pamamagitan ng mga CCTV ay mababawasan pa ang insidente ng kriminalidad sa naturang lugar.

Una nang nagkabit ng 32 CCTV sa EDSA-Taft intersection sa Pasay City noong Mayo.

Sa ilalim ng Project Safe-Kam, balak ng PNP na maglagay pa ng mga security camera sa University Belt sa Maynila, MRT North EDSA sa Cubao, Quezon City  at sa Baclaran, Parañaque. – Jan Esocsio/Jay Dones

 

 

TAGS: crime, PNP, roxas, crime, PNP, roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.