Pagbabakuna kontra tigdas mas pinalawig pa sa Makati
Mas pinalawig pa ng pamahalaang lungsod ng Makati ang pagbabakuna kontra tigdas sa lungsod.
Maliban sa extension ng malawakang pagbabakuna hanggang sa March 31 ay bibigyan na rin ng bakuna kontra tigdas ang lahat ng bata mula pre-school hanggang Grade 6.
Ito ay base sa kautusan ni Makati City Mayor Abby Binay.
Ayon kay Binay, ang mga bata ay babakunahan ng mga nagbabahay-bahay na kawani ng Makati Health Department (MHD), sa mga barangay Health Center, o sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Magkakaroon aniya ng schedule ng vaccination days sa mga eskuwelahan.
Pina-alalahanan ni Binay ang mga magulang na pabakunahan ang mga sanggol at bata kontra tigdas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.