Fire Prevention Month simula na ngayong araw

By Rhommel Balasbas March 01, 2019 - 04:07 AM

Ngayon ay unang araw ng Marso na hudyat din ng pagsisimula sa paggunita sa Fire Prevention Month.

Ang tema ng Fire Prevention Month ngayong taon ay “Kaligtasan sa Sunog: Alamin, Gawin at isabuhay Natin.”

Upang simulan ito, magkakaroon ang Bureau of Fire Protection ng sabayang pagsasagawa ng “Walk for a Fire-Free and a Fire-Safe Nation” sa lahat ng unit nito bukod sa BFP National Headquarters at National Capital Region.

Isasagawa ito ng BFP-NHQ at NCR sa Linggo, March 3 sa Quezon Memorial Circle sa pangugnuna ni BFP Officer-in-Charge C/Supt. Ariel Barayuga.

Eksakto alas-12:00 naman ng tanghali mamaya, lahat ng fire stations sa buong bansa ay limang minutong magpapatunog ng kanilang fire alarms.

Samantala, sa March 3 hanggang 4 ay isasagawa ang kauna-unahang BFP National Fire Olympics na isa sa highlights ng mga aktbidad para sa Fire Prevention Month ngayong taon.

Layon ng aktbidad na ito na maipamalas ang husay sa pagpuksa ng apoy ng iba’t ibang fire deparments at mapalalim ang sportsmanship at ugnayan ng mga BFP personnel, non-government organizations at iba pang public servants.

Tiniyak din ng BFP na palalakasin ang fire safety awareness campaign sa buong buwan ng Marso.

Ang Fire Prevention Month ay 49 na taon nang ginugunita ng BFP.

TAGS: BFP, Fire Prevention Month, fire safety awareness campaign, Gawin at isabuhay Natin, Kaligtasan sa Sunog: Alamin, National Fire Olympics, sunog, BFP, Fire Prevention Month, fire safety awareness campaign, Gawin at isabuhay Natin, Kaligtasan sa Sunog: Alamin, National Fire Olympics, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.