BSP: Inflation rate sa Pebrero nasa 3.7 – 4.5 percent
Posibleng pumalo sa pagitan ng 3.7 hanggang 4.5 percent ang inflation rate para sa buwan ng Pebrero ayon sa Department of Economic Research (DER) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa isang statement sinabi ng DER na ang mataas na presyo ng produktong petrolyo at kuryente ay nagpataas sa inflation ngunit tinapatan naman ng mababang presyo ng bigas at iba pang produktong agricultural.
Bumaba umano ang presyo ng bigas at iba pang produkto dahil sa paglakas ng piso at mataas na suplay dahil sa nakalipas na harvest season at pagdating ng mga rice imports.
Sinabi naman ng Department of Economic Research na tututukan ng BSP ang mga pagbabago sa mga presyo para tiyaking ang monetary policy ay magpapatuloy sa malagong ekonomiya.
Ang inflation rate noong Enero ay pumalo sa 4.4 percent kumpara sa 5.1 percent noong Disyembre ng nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.