Infra project, hindi maantala kahit hindi pa nalalagdaan ang 2019 budget – Diokno

By Chona Yu February 28, 2019 - 06:40 PM

Tiwala si Budget secretary Benjamin Diokno na tuloy pa rin ang implementasyon ng mga infrastructure budget ngayong taon.

Ito ay kahit sa kalagitnaan pa sa buwan ng Marso inaasahang mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pambansang pondo.

Ayon kay Diokno, sa March 29 pa naman magsisimula ang ban ng Commission on Elections (Comelec) sa mga infrastructure project.

Iginiit pa ni Diokno na nagsumite na rin sila ng request sa Comelec para ma-exempt o hindi masama sa mga maipapatigil ang nasa higit 200 infrastructure projects ng administrasyon.

Ayon kay Diokno, iniimprinta pa ang kopya ng budget.

Aabutin pa aniya ng karagdagang limang araw para busisiin naman ng DBM at statement of difference.

Matapos nito ay saka palang ibibigay kay Duterte ang kopya ng budget at ang rekomendasyon para sa pagpirma niya dito.

TAGS: 2019 budget, infrastructure project, Sec. Benjamin Diokno, 2019 budget, infrastructure project, Sec. Benjamin Diokno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.