Ayuda sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong Martial law, pinalawig ni Duterte

By Chona Yu February 28, 2019 - 06:39 PM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang joint resolution na magpapalawig pa sa pagbibigay ayuda sa mga biktima ng human rights violation o paglabag sa karapatang pantao noong Martial law noong panahon ni dating Pangulng Ferdinand Marcos.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, sa pamamagitan ng Joint Resolution No. 04, maari pa ring makakuha ng kompensasyon ang mga biktima ng human rights violations.

Hanggang May 2018 lamang ang itinatakda ng batas para sa pagproseso ng Human Rights Victims Claims Board.

Ayon kay Medialdea, kaya nagpalabas ng joint resolution ang pangulo dahil hindi natapos ng board ang pagproseso sa mahigit 75,000 applicants pa at hindi na rin magagamit ang pondo para sa claimants.

Maari aniyang makapag-proseso pa ang mga biktima ng human rights violations hanggang sa December 31, 2019.

Binibigyan ng awtoridad ang Bureau of Treasury and Land Bank para mag-release ng pondo, habang ang Commission on Human Rights (CHR) naman ang mamamahagi nito.

TAGS: human rights violations, Joint Resolution No. 04, Martial Law, Rodrigo Duterte, human rights violations, Joint Resolution No. 04, Martial Law, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.