Bilang ng patay sa gumuhong gold mine sa Indonesia, umabot na sa 6

By Angellic Jordan February 28, 2019 - 03:20 PM

Umabot na sa anim katao ang nasawi sa gumuhong minahan ng ginto sa Indonesia.

Ayon kay Abdul Muin Paputungan, opisyal mula sa Bolaang Mongondow District ng North Sulawesi, 19 katao na ang nasagip ng mga rescuer.

40 katao pa ang patuloy na pinaghahanap na natabunan sa minahan.

Sinabi ng national disaster agency na hindi bababa sa 140 katao mula sa iba’t ibang ahensya ang parte ng rescue operation sa lugar.

Nawasak ang beams at supporting boards sa minahan dahil sa malaking bilang ng mining holes.

TAGS: Abdul Muin Paputungan, Bolaang Mongondow District, Gold Mine, indonesia, North Sulawesi, Abdul Muin Paputungan, Bolaang Mongondow District, Gold Mine, indonesia, North Sulawesi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.