Pahayag ni Pangulong Duterte na hindi nagnakaw ang mga Marcos hindi totoo – Sen. Pangilinan

By Jan Escosio February 28, 2019 - 12:43 PM

Ibinilang ni Senator Kiko Pangilinan sa mga hindi totoo na sinabi ni Pangulong Duterte ang pahayag na “hindi nagnakaw ang mga Marcos”.

Ayon kay Pangilinan hindi dapat agad-agad pinaniniwalaan ang mga sinasabi ng pangulo sa katwiran na marami itong sinasabi na gawa-gawa lang.

Giit ni Pangilinan mismong si Pangulong Duterte ang umamin na sa bawat lima na kanyang sinasabi, tatlo ang hindi totoo.

Dagdag pa ng senador mismong ang Korte Suprema na ang may mga pasya ukol sa pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos.

Dagdag pa nito, ang Sandiganbayan ay nagdesisyon na rin na guilty si dating Unang Ginang Imelda Marcos sa kasong pangungurakot.

TAGS: ill gotten wealth, Marcoses, President Rodrigo Duterte, Sen. Kiko Pangilinan, ill gotten wealth, Marcoses, President Rodrigo Duterte, Sen. Kiko Pangilinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.