Bagyong Wutip lalo pang humina isa na lang tropical storm ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2019 - 11:22 AM

Habang papalapit ng bansa ay patuloy sa paghina ang bagyong may international name na Wutip.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,540 kilometers east ng Northern Luzon.

Sa ngayon ayon sa PAGASA, isa na lamang tropical storm ang bagyo, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 95 kilometers bawat oras.

Bumilis naman ang kilos ng bagyo sa 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Sa pagitan ng gabi mamaya hanggang bukas ng umaga ay inaasahang papasok ng bansa ang bagyo at tatawagin itong Betty.

Bukas ng umaga, hihina pa ito at magiging tropical depression na lamang at sa Sabado ng umaga ay magiging isang Low Pressure Area na lamang.

Sa ngayon ay wala itong direktang epekto saanmang panig ng bansa.

TAGS: Pagasa, Tropical storm, weather, wutip, Pagasa, Tropical storm, weather, wutip

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.