Mga naglutangang cocaine sa karagatan ng bansa posibleng sa Australia dadalhin – PNP
Posibleng sa Australia dadalhin ang bloke-bloke ng mga cocaine na sunud-sunod natutuklasan sa karagatan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na ang Australia ay kabilang sa mayroong malaking cocaine market sa buong mundo.
Sinabi ni Albayalde na kinumpirma ng mga otoridad sa Australia na mayroon silang nakumpiska noon na daan-daang kilo ng cocaine sa bahagi ng Solomon Islands.
Mayroon ding nahuling barkong patungong ng Australia sa bahagi ng Papua New Guinea na mayroong dalang mga cocaine at ang mga sakay nitong drug smugglers ay pinagtatapon sa dagat ang ilegal na drogang karga ng barko.
Sa ngayon ayon kay Albayalde umaabot na sa 111 kilos na ng cocaine ang nakukuha sa karagatan ng bansa sa loob lang ng isang linggo.
Sinabi ni Albayalde na mismong ang kanilang counterpart sa Australia ang nagkumpirma na maaring ang mga bloke ng cocaine na sunud-sunod na naglutangan sa karagatan ng bansa ay para sa Australia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.