DILG ipinalalabas sa PDEA ang narco-list bago ang eleksyon sa Mayo

By Erwin Aguilon February 28, 2019 - 09:36 AM

Hinikat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na ilabas ang narco-list bago ang May 2019 elections.

Ayon kay Diño kailangan din na masampahan agad ng kaso ang mga alkalde at mga barangay captain na nagpapabaya sa operasyon ng droga sa kanilang lugar.

Duda naman ito na walang lokal na opisyal sa Metro Manila ang kabilang sa narco-list .

Karamihan kasi sa narco-list na sumailalim sa validation ay nasa Mindanao at Visayas.

Napansin ni Diño na sa unang narco-list ng mga barangay officials na sangkot sa droga, hindi napasama sa ibinunyag ang mga barangay sa Metro Manila na talamak ang hulihan ng droga at mga drug personnel.

Nagtataka ito na walang alkalde na binabangggit sa Metro Manila gayong natuklasan ang mga drug laboratory at mga drug dens sa loob ng kanilang nasasakupan.

Sa ngayon ay mga listahan lamang ng mga hindi nagtatag ng Barangay Anti-Drug Council ang nasa pag iingat ng DILG habang nasa kamay naman aniya ng PDEA ang narco-list.

TAGS: DILG, narco list, PDEA, Radyo Inquirer, DILG, narco list, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.