Pilipinas, compliant na sa panuntunan ng international labor organization kaugnay sa maternity leave
Tiwala ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na sumusunod na ang bansa sa panuntunan ng International Labor Organization (ILO) matapos na maisabatas ang Expanded Maternity Leave Law.
Sa ilalim ng ILO, itinatakda ang 14 weeks o 98 araw na maternity leave para sa mga nanay na nagtatrabaho para mabigyan ng sapat na oras na alagaan ang mga sanggol at makapagpahinga at maka-recover ang mga ito sa panganganak.
Mula sa pinakamababa sa listahan ay magiging kabilang na ang bansa sa top ASEAN countries na nagbibigay ng sapat na maternity leave para sa mga kababaihan.
Pinakamahabang maternity leave ay sa Vietnam na may 180 days, pumangalawa ang Singapore na may 112 days at sinundan ng mga bansang Brunei, Laos, at Pilipinas na may 105 days maternity leave.
Kasama din sa listahan ang Myanmar at Thailand na may 98 days gayundin ang Cambodia, Malaysia at Indonesia na may 90 days maternity leave.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.