Dagdag na higit P2/kilo ng LPG, ipapatupad sa Biyernes

By Len Montaño February 28, 2019 - 04:44 AM

Hindi na mapipigilan ang big-time taas presyo ng liquified petroleum gas (LPG) sa Biyernes, March 1.

Ayon kay South Pacific Inc. President Jun Golingay, asahan ang P2.50 hanggang P2.90 kada kilo na dagdag presyo.

Ito ay katumbas ng P27.50 hanggang P31.90 sa kada regular na tangke.

Ayon sa naturang LPG importer, ito ay dahil mas mataas ang demand sa LPG sa buong mundo.

Nakakaapekto rin ang tumataas na presyo ng krudo sa demand sa LPG sa buong mundo.

Inaasahan naman na bababa rin ang presyo ng LPG sa susunod na mga buwan partikular sa Abril at Mayo.

Dahil dito, mula sa pagitan ng P576 at P755 sa kada 11 kilogram ng tangke ay aabot na sa P603 hanggang P782 ang halaga ng LPG epektibo sa Biyernes.

TAGS: big-time, dagdag presyo, LPG, South Pacific Inc., taas presyo, big-time, dagdag presyo, LPG, South Pacific Inc., taas presyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.