6 arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Maynila

By Rhommel Balasbas February 28, 2019 - 02:18 AM

Sampaloc Police photo

Timbog ang anim na lalaki na sangkot sa iligal na droga sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Sampaloc, Maynila.

Unang naaresto sa pamamagitan ng pagsisilbi ng search warrant si Brian Bill Viña.

Nakuha mula sa suspek ang P7,000 halaga ng shabu.

Dalawang magkahiwalay na buy-bust operation din ang isinagawa ng Sampaloc Police na nagresulta sa pagkakaaresto sa limang drug suspek.

Nakilala ang mga suspek na sina Roberto Ilaw, Guiller Vasquez, George dela Cruz, Fernando Fernandez at Jay-R Cabrera.

Sampaloc Police photo

Nakuha mula sa mga ito ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ngayon ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, manila, operasyon, Sampaloc, Sampaloc Police, search warrant, shabu, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, manila, operasyon, Sampaloc, Sampaloc Police, search warrant, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.