25 patay sa railcar crash sa Egypt

By Rhommel Balasbas February 28, 2019 - 01:23 AM

AP photo

Hindi bababa sa 25 ang patay habang 47 ang sugatan matapos ang pagsabog sa isang istasyon ng tren sa Cairo, Egypt.

Ang insidente ay naganap matapos bumangga ang isang humaharurot na tren sa platform ng Ramses station dahilan para sumabog ang fuel tank nito.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Hala Zayed, Health Minister ng Egypt, inaasahang lolobo pa ang bilang ng patay dahil marami sa mga sugatan ay nasa kritikal na kondisyon.

Nangako rin si President Abdel Fattah el-Sisi na pananagutin ang mga responsable sa aksidente.

Sa video na kumakalat sa social media, makikita kung paano nabalot ng apoy ang katawan ng mga pasahero na tulirong-tuliro dahil sa sakit ng paso na nararamdaman.

Samantala, dahil sa aksidente ay nagbitiw na sa pwesto si Transportation Minister Hisham Arafat.

Ang Ramses district ay ang pinakamataong lugar sa City of Cairo na kabisera ng Egyt.

Ang railway system ng bansa ay sinasabing hindi ‘well-maintained’ at hindi napapamahalaan nang maayos.

Sa mga datos, lumalabas na mula 2017 ay mayroong 1,793 train accidents na naganap sa buong Egypt.

TAGS: Egypt, fuel tank, President Abdel Fattah el-Sisi, railcar crash, Ramses station, tren, Egypt, fuel tank, President Abdel Fattah el-Sisi, railcar crash, Ramses station, tren

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.