Pag-endorso niya sa mga kandidato ng HNP hindi masama ayon kay Speaker GMA

By Erwin Aguilon February 27, 2019 - 12:53 PM

INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
Hindi masama para kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kung ineendorso niya ang mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago na itinatag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa ambush interview kay Speaker GMA sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng House Speaker sa House Oversight Committee on Housing sa Tondo, Maynila, sinabi nito na hindi magkakaroon ng conflict kahit pa miyembro siya ng PDP-Laban.

Wala rin naman aniyang halos pagkakaiba sa line-up ng HNP at ng PDP-Laban dahil pareho nitong ineendorso ang ilang mga kandidato.

Una nang inendorso ng dating pangulo ang mga kandidato ng HNP sa kick-off ng campaign rally sa Pampanga.

Samantala, tinawanan lang ni Arroyo ang balitang isa siya sa napipisil na papalit bilang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas matapos pumanaw si Nestor Espenilla Jr. at sinabing hypothetical lamang ang pinalulutang na impormasyon.

TAGS: 2019 midterm elections, Gloria Arroyo, hugpong ng pagbabago, PDP Laban, 2019 midterm elections, Gloria Arroyo, hugpong ng pagbabago, PDP Laban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.