Pagkikita ni PNoy at Pope Francis sa Vatican, tuloy na sa December 4
May tatlong official working visit si Pangulong Benigno Aquino III sa Europe sa susunod na buwan.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Cleofe Natividad, kabilang ang Vatican City sa bibisitahin ni PNoy at makikipagkita siya kay Pope Francis sa December 4.
Ayon kay Natividad pagkakataon ito para kay Pangulong Aquino upang personal na pasalamatan ang Santo Papa at nang maiparating din n gang update sa construction at rehabilitation efforts sa Tacloban City.
Sasaksihan din ni Pangulong Aquino ang pagpapasinaya sa mosaic sculpture ng Our Lady of Peñafrancia, at makikipagkita sa Filipino priests and religious sa Vatican.
Una nang kinumpirma ni PNoy na dadalo siya sa 21st Conference of the Parties for the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC), sa November 30.
Sa nasabing conference, nakatakda ring makipagpulong ang Pangulo sa mga businessmen mula sa French, Irish, at Japanese companies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.