Ilang lansangan sa Maynila isinara dahil sa gagawing caravan ng Hugpong ng Pagbabago

By Ricky Brozas February 27, 2019 - 08:17 AM

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang publiko sa pamamagitan ng Traffic Enforcement Unit nito na ilang lansangan sarado sa mga motorista ngayong araw ng Miyerkules, Feb. 27.

Base sa inilabas na abiso ng MPD ito ay dahil sa nakatakdang caravan ng Hugpong ng Pagbabago mamayang hapon sa San Andres, Maynila Sports Complex.

Ganap na alas 8:00 ng umaga isinara na ang mga sumusunod na kalsada:

– Kahabaan ng San Adnress St. mula Adtriatico St. papuntang Guerrero St.
– Kahabaan ng Leveriza st. mula Quirino hanggang San Adnres St.

Maari naman dumaan sa alternatibong ruta ang mga sasakyan:

– Ang mga galing sa Roxas Blvd. ay maaring pwedeng kumanan sa Adriatico St. hanggang sa destinasyon.
– Ang mga galing ng Taft Ave./Quirino Ave. ay maaring kumanan sa LM Guerrero St. hanggang sa destinasyon.

Paalala naman ng MPD na ang pag bubukas at pagsasara ng mga apektadong kalsada ay magbabase sa aktwal na kundisyon ng trapiko sa lugar.

Inaasahan na mag sisimula ang caravan ng HNP mamayang ala 1:00 ng hapon.

TAGS: hugpong ng pagbabago, Radyo Inquirer, San Andres Manila, hugpong ng pagbabago, Radyo Inquirer, San Andres Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.