China, gaganti kapag pina-deport basta ang kanilang mga manggagawa

By Chona Yu February 27, 2019 - 01:43 AM

Nagbabala ang China na maaring mauwi sa gantihan kung magiging padalos dalos ang Pilipinas sa pagpapadeport ng mga Chinese workers sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginawa ng China ang naturang babala matapos ang dinner kamakailan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Ambassador Zhao Jianhua.

Kapag aniya hindi naging maayos ang deportasyon sa mga Chinese workers, gagawin din ito ng China sa mga Filipino workers na nasa Beijing.

“In fact, that is what the Chinese ambassador told me during dinner…. That if this government will just deport Chinese not in accordance with law then we will also do the same. That’s tit for tat,” ani Panelo.

Pero paglilinaw ni Panelo, walang problema sa China kung ipadedeport ang mga Chinese workers na talagang lumalabag sa mga batas ng Pilipinas.

Matatandaang kamakailan ay sinabi ni Pangulong Duterte na hayaan lamang ang Chinese workers na magtrabaho sa bansa dahil mayroong 300,000 na mga Pinoy na nagtatrabaho naman sa China.

TAGS: Chinese Ambassador Zhao Jianhua, chinese workers, deportation, Filipino Workers, ganti, tit for tat, Chinese Ambassador Zhao Jianhua, chinese workers, deportation, Filipino Workers, ganti, tit for tat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.