Pagtaas ni Duterte sa kamay ng 2 pulitiko sa Cebu, kortesiya lamang

By Chona Yu February 27, 2019 - 01:17 AM

Ayaw lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamahiya ng mga pulitiko kung kaya itinaas ang kamay nina dating Cebu Mayor Michael Rama na kakandidatong Vice Mayor ng Cebu City at Provincial Board Member Sun Shimura na kakandidatong Mayor ng Daanbatanyann, Cebu.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kortesiya lamang ang ginawa ng Pangulo kung kaya itinaas nito ang kamay ng dalawang pulitiko sa isang event sa Cebu noong February 24.

Matatandaan na noong 2016, pinangalanan ni Pangulong Duterte si Rama na protector ng illegal na droga samantalang si Shimura ay stepson ni Daanbantayan Mayor Vicente Loot na makailang beses nang binabalaan ni Pangulong Duterte na kanyang papatayin dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal na droga.

Ayon kay Panelo, hindi niya batid ang dahilan ng Pangulo kung bakit itinaas ang kamay ng dalawang pulitiko.

TAGS: Daanbantayan Mayor Vicente Loot, dating Cebu Mayor Michael Rama, kortesiya, pagtaas ng kamay, Provincial Board Member Sun Shimura, Rodrigo Duterte, Daanbantayan Mayor Vicente Loot, dating Cebu Mayor Michael Rama, kortesiya, pagtaas ng kamay, Provincial Board Member Sun Shimura, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.