2 gun for hire suspects, patay sa pamamaril habang nasa police transport

By Len Montaño February 27, 2019 - 12:03 AM

Manila Police District photos

Patay sa pamamaril ng hindi pa kilalang gunmen ang dalawang suspek na umanoy miyembro ng gun for hire group habang nasa police transport sa Maynila Martes ng hapon.

Una rito ay arestado ang umaming hitman na si Apolonio Flores at ang umanoy handler nito na si Prince Patrick Cortez.

Nakulong ang dalawa sa Manila Police District Station 4 dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Kasama ng mga suspek sa police car sina PO1 Joven Miguel at PO2 Mark De lima nang anim na suspek na sakay ng mga motorsiklo ang humarang sa kanila sa southbound lane ng Lacson Avenue sa Sampaloc, Manila.

Apat sa mga lalaki ang bumaba sa kanilang motorsiklo at inutusan ang dalawang pulis na ilayo ang kanilang mga baril at dumapa.

Pagkatapos ay pinagbabaril ng mga gunmen sina Flores at Cortez sa loob ng police car at tumakas ang mga ito papunta sa Nagtahan flyover.

Habang nasa kustodiya ng pulisya ay nagpahayag na ng takot si Flores na patayin siya at saktan ang kanyang pamilya ng grupong kanyang pinagtatrabahuhan.

Sina Flores at Cortez ay nagsisilbing hitman na pumapatay sa mga kalaban sa droga sa halagang P20,000.

TAGS: Apolonio Flores, Gun for hire, gunmen, hitman, manila, police car, police transport, Prince Patrick Cortez, Sampaloc, Apolonio Flores, Gun for hire, gunmen, hitman, manila, police car, police transport, Prince Patrick Cortez, Sampaloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.