9 establisyimento sa Caloocan, ipinasara ng BIR
Ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang siyam na establisyimento sa Caloocan City ngayong Martes.
Ito ay dahil umano sa hindi tamang pagbabayad ng buwis.
Kabilang sa mga apektadong establisimyento ang hardware store, salon, coffee shop, carwash at iba pa.
Ayon kay BIR Caloocan Regional Director Manuel “Manny” Mapoy, madalas nasisita sa mga negosyante ang hindi tamang pagdedeklara ng ibinebenta.
Napag-alaman din ng ahensya na ang isang hardware store ay gumagamit ng hindi rehistradong resibo.
Samantala, panibagong siyam na establisyimento naman ang ipasasara ng BIR sa Caloocan pa rin bukas, araw ng Miyerkules
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.