Death threats sa mga Obispo itinuro ng Malakanyang sa oposisyon
Sinisisi ng Palasyo ng Malakanyang ang mga taga oposisyon dahil sa pamumulitika sa biro ni Pangulong Rodrigo Duterte na holdapin at patayin ang mga kagawad ng Simbahang Katolika.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dahil sa sinakyan ng mga kalaban ng Pangulo ang biro, nakatatanggap na ngayon ng mga pagbabanta sa buhay ang mga pari at obispo partikular na si Caloocan Bishop Pablo David na kritikal sa anti-drug war campaign ng Punong Ehekutibo.
“In other words, a joke perceived to be jokes by many and yet, the critics and the opposition would convert it into a serious matter,” ani Panelo.
Sinabi pa ni Panelo na hyperbole o pagmamalabis lamang ang utos noon ni Pangulong Duterte sa mga drug addict na bugbugin at holdapin ang mga pari at obispong maglalakad sa lansangan.
Hindi aniya maaring sisihin ang Pangulo dahil kilala naman ito sa kanyang estilo at palaging palabiro.
Pero binigyang diin ni Panelo na seryoso ang Pangulo sa babala sa mga drug addict na huwag mananakit ng mga pari dahil ang away niya sa mga ito ay personal lamang.
“No. Actually, again, that’s just a hyperbole. It’s a criticism. It’s just a criticism. That is precisely why he warned those who will harm the priests. And he’s serious on that because this President is outraged by any kind of irregularity or violation of any law or any threat made against any person,” dagdag ng opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.