Bahagi ng UN Avenue sa Maynila isasara mamayang hapon
Dalawang oras na isasara sa mga motorista ang bahagi ng United Nations Avenue sa Maynila para bigyang daan ang gagawing arrival honors ng Manila Police District sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sa abiso ng Manila Police District (MPD), mula San Marcelino Street hanggang sa Taft Avenue ay isasara ang UN alas 2:30 ng hapon hanggang alas 4:30 ng hapon ngayong araw (Huwebes).
Bibisita kasi sa MPD si NCRPO Chief P/Dir. Joel Pagdilao at pagkakalooban ito ng arrival honors.
Pinapayuhan ang mga motorista na bibiyahe sa westbound lane ng UN na kumanan sa Romualdez Street o kaya ay kumaliwa na sa San Marcelino Street patungo sa kanilang destinasyon.
Ang mga galing naman sa eastbound lane ng UN, pinapayuhang kumaliwa na lamang o kumanan sa Taft Avenue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.