Monthly premium ng Philhealth members tataas dahil sa UHC

By Den Macaranas February 26, 2019 - 04:11 PM

Inquirer file photo

Asahan na ang pagtaas sa binabayarang monthly premiums ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) kasunod ng pagsasabatas ng Universal Health Care Act.

Inaasahang aabot sa 5 percent sa taong 2025 ang buwanang kontribusyon mula sa kasalukuyang 2.5 percent lamang para sa mga miyembro na mayroong buwanang sweldo na P10,000 hanggang P50,000.

Kailangan ang dagdag na pondo para sa mga Philhealth non-paying member na sakop na rin ng mas pinalawak na health care program ng pamahalaan.

Kailangan ng Philhealth ng dagdag na P40 Billion na kita para pondohan ang kanilang bahagi sa Universal Health Care Act.

Sa ilalim ng nasabing batas, ang lahat ng mga Pinoy na ipinanganak sa bansa ay otomatikong sakop ng National Health Insurance Program.

Base sa fiscal requirement ng nasabing batas, mangangailangan ang  Universal Health Care Act ng pondong aabot sa P257 Billion para sa unang taon ng implementasyon nito.

Para sa 2019 national budget ay aabot lamang sa P217 Billion ang nailaan dito ng pamahalaan kaya sinabi ng Malacañang na magiging gradual lang muna ang implementasyon ng nasabing batas.

Bukod sa Philhealth, huhugot rin ang gobyerno ng pondo para sa Universal Health Program mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at dagdag na buwis mula sa sin products.

TAGS: monthly premiums, pagcor, pcso, philhealth, Universal Health Care, monthly premiums, pagcor, pcso, philhealth, Universal Health Care

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.