Terorismo at MDT sentro ng pulong nina Duterte at US Secretary of State Mike Pompeo
Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maungkat sa gagawing pulong sa pagitan nila ni US Secretary of State Mike Pompeo ang isyu sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesman na tiyak na ang isyu sa terorismo at Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at US ang siyang magiging sentro ng pag-uusap pero kung uungkatin ang usapin sa mga pinag-aagawang isla ay nakahanda naman dito ang pangulo.
Hindi naman umano lingid sa US ang maayos na relasyon ng pangulo sa mga matataas na lider ng China.
Si Pompeo ay nakatakdang dumating sa bansa sa February 28 mananatili hanggang sa March 1 bago siya tumulak patungong Hanoi, Vietnam.
Doon ay sasamahan niya si US President Donald Trump sa isang summit kung saan ay makakapulong nila si North Korean leader Kim Jong Un.
Sinabi ni Panelo na magiging mahigpit ang seguridad sa Malacañang at US Embassy habang nasa bansa ang chief US envoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.