Malawakang rehabilitasyon sa water supply facilities sa Iloilo City sinimulan na

By Den Macaranas February 26, 2019 - 03:05 PM

Photo: Metro Iloilo Bulk Water Supply Corp.

Ngayong araw, February 26 ay pasisimulan ng Metro Iloilo Bulk Water Supply Corporation (MIB) ang upgrading at pagsasa-ayos ng kanilang water treatment plant para sa franchise area na nasasakupan ng Metro Iloilo Water District (MIWD).

Ang nasabing rehabilitation project ay magpapalawak sa operasyon ng Sta. Barbara water treatment facility ng hanggang sa 50 million liter per day (MLD) mula sa kasalukuyang 37 MLD.

Nangangahulugan ito na pansamantalang ihihinto ang operasyon ng ilang pumping station na siyang pangunahing source ng raw water na dumadaan sa hydraulic heas ng nasabing pasilidad.

Ang mga lugar na sakop ng MIWD ay makararanas ng mahinang suplay ng tubig sa kabuuan ng upgrading period mula February 26 hanggang March 31.

Tiniyak naman ng MIB na kapag natapos ang proyekto ay mas lalakas na ang pressure ng tubig para sa mga sakop ng MIWD franchise area.

Kabilang lamang ito sa mga paunang development program makaraang lagdaan ang joint venture agreement sa pagitan ng MIWD at ng Metro Pacific Water (MPW).

“We ask our water consumers and stakeholders to bear with us during this repair and rehabilitation period. We assure the people of Metro Iloilo that this initiative will result in greater and bigger benefits as MIB commits to provide potable water supply to more and more Ilonggos,” ayn kay Eng. Rolixto V. Jodieres Jr., Chief Operating Officer of MIB.

Nilinaw rin ni Engr. Jodieres na kailangang palitan ang ilang  electrical at mechanical components ng nasabing water treatment plant para ito ay matawag na isang state-of-the-art facilities.

Nakapaloob sa  P2.8 Billion joint venture agreement ang rehabilitation, operation, management, at expansion ng of water production facilities para sa malaking bahagi ng Iloilo.

Ipinaliwanag naman ni MIWD Chairman Dr. Jessica Salas, na ang plant upgrade ay magbibigay ng maayos, tuloy-tuloy at malinis na suplay ng tubig para sa mga ilonggo.

“We ask for the support of our consumers in Metro Iloilo as we work for the transformation of MIWD into a world-class water service provider. We also enjoin our local government units to support us in this initiative that aims to upgrade the quality of service of our water district,” dagdag pa ni Salas.

Ipinaliwanag rin ni Salas na kinakailangan na ang nasabing upgrading sa pasilidad dahil kapos ang kasalukuyang production limit nito na sa 35 MLD para sa kanilang mga customer lalo kailangan ang maayos na tubig sa pagdami ng negosyo sa lungsod.

TAGS: BUsiness, iloilo water district, Metro Iloilo Bulk Water Supply Corporation, Metro Pacific Water, mib, MIWD, BUsiness, iloilo water district, Metro Iloilo Bulk Water Supply Corporation, Metro Pacific Water, mib, MIWD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.