Kasunduan upang mailipat ang mga nakatira sa Isla Puting Bato nilagdaan na

By Erwin Aguilon February 26, 2019 - 12:47 PM

Mga residente sa Isla Puting Bato | Photo: Erwin Aguilon

Kasunduan upang mailipat ang mga nakatira sa Isla Puting Bato nilagdaan na

Nilagdaan na ang Memorandum of Understanding para ilipat ang mga informal settlers na nakatira sa Isla Puting Bato, Tondo, Maynila.

Nakasaad sa kasunduan na ibibigay ng PPA ang limang ektarya ng kanilang lupa sa Tondo para mapaglipatan ng mahigit 2,000 pamilya na nakatira malapit sa Manila Bay.

Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, sila na rin ang mangangasiwa sa pagpapatayo ng gusali katuwang ang NHA para matiyak na matibay.

Aabot sa 2,086 na pamilya ang benepisyaryo ng social housing site pero tinaya ng PPA na kasya ang 2,400 pamilya sa ipatatayong. gusali.

Tiniyak naman ni Sec. Tugade na mapapakinabangan ang gusali sa mahabang panahon kahit pa 25 taon lamang ang nakasaad sa kasunduan.

Ang paglagda ay ginawa kasabay ng pagdinig ng House Oversight Committee on Housing kaugnay sa implemetasyon ng mga proklamasyon at Executive Order ni dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 kaugnay ng socialized housing site sa Tondo.

Ang pagdinig ay Ginanap sa Rosauro Elementary School sa Tondo sa pangunguna ni committee chairman Albee Benitez at dinaluhan nina Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Transportation Sec. Arthur Tugade, Sen. Cynthia Villar, Manila Cong. Manny Lopez at mga kinatawan ng Philippine Ports Authority (PPA), National Housing Authority (NHA) at Philippine National Railways (PNR).

TAGS: isla puting bato, Memorandum of Understanding, NHA, ppa, socialized housing site, isla puting bato, Memorandum of Understanding, NHA, ppa, socialized housing site

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.