Pagpasok sa bansa ng Colombian drug cartel kinumpirma ng PDEA

By Dona Dominguez-Cargullo February 26, 2019 - 10:29 AM

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakapasok na ng Pilipinas ang Colombian drug cartel kasunod ng pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, base sa sinuring sample ng ilegal na droga sa Matnog, Sorsogon noong taong 2018, lumalabas na ito ay gawa sa Colombia.

Sinabi ni Aquino na ginagamit ng mga dayuhang drug syndicates ang Pilipinas bilang transshipment point sa kanilang cocaine.

Muli ding inulit ni Aquino na ang mga natutuklasang bloke-bloke ng cocaine sa karagatan ay maaaring diversionary tactic lamang sa mas malaking halaga ng ilegal na droga na idinadaan sa bansa.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na seryosong problema ang pagsok ng Medellin drug syndicate ng Colombia sa bansa.

TAGS: anti-illegal drugs, cocaine, Colombian drug syndicate, PDEA, War on drugs, anti-illegal drugs, cocaine, Colombian drug syndicate, PDEA, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.