Kaanak ng lolang naaresto sa Marikina dahil sa pangunguha umano ng bata sinabing may Alzheimer’s disease ang suspek
Itinanggi ng mga kaanak ng 70-anyos na lola na inaresto at kinasuhan sa Marikina City na sangkot ito sa pagdukot sa mga bata.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng anak ng suspek na si Danilo Coloma, hindi totoong nangunguha ng bata ang kaniyang ina.
Ani Coloma, nakararanas ng Alzheimer’s disease ang kaniyang nanay.
Dagdag pa ni Coloma, 78 anyos na ang kanilang ina at hindi 70 na unang iniulat ng pulisya.
Sa post naman sa Facebook ng nagpakilalang apo ng suspek na si Gazelle Sonza Coloma, sinabi niyang hindi masamang tao ang kaniyang lola.
Kahapon pa aniya nawawala ang kaniyang lola na mayroong sakit na Alzheimer’s disease.
Inaakala umano ng lola niya na apo niya ang bawat batang na kaniyang nakikita.
Wala pa namang pahayag ang Marikina City Police at ang Barangay sa Jesus Dela Peña hinggil dito.
Una nang inaresto ang nasabing lola dahil sa sapilitang paghila umano sa dalawang bata sa nasabing barangay.
Kinasuhan ang lola ng attempted abduction at ikinulong sa Marikina City police detention cell.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.