Typhoon ‘Wutip,’ mabagal na lumalapit sa bansa

By Len Montaño February 26, 2019 - 04:56 AM

Patuloy na minomonitor ng Pagasa ang Typhoon ‘Wutip’ na nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa 4a.m. Pagasa weather forecast, huling namataan ang Typhoon ‘Wutip’ sa layong 1,830 kilometers ng East ng Southern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 190 kilometers per hour at bugsong 235 kilometers per hour.

Ayon sa Pagasa, mabagal ang kilos ng bagyo na tinatahak ang direksyon ng North Northwest.

Samantala, sa pagtaya ng panahon ngayong araw, magiging maulap ang panahon sa Metro Manila gayundin sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa Pagasa, asahan ang isolated rains sa kalakhang maynila.

Iiral naman ang mahina hanggang katamtamang hangin mula sa Northeast sa malaking bahagi ng bansa.

Habang coastal waters ay slight to moderate.

TAGS: Bagyo, lagay ng panahon, maulap na panahon, Pagasa, PAR, southern luzon, wutip, Bagyo, lagay ng panahon, maulap na panahon, Pagasa, PAR, southern luzon, wutip

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.