3 sasakyan nagkarambola sa C5

By Erwin Aguilon November 26, 2015 - 06:34 AM

12287105_10206825554172575_1327932580_oMaagang nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ag aksidenteng naganap sa C5 southbound sa panulukan ng Lanuza.

Sugatan sa nasabing aksidente ang driver ng isang Toyota Corolla na nakilalang si Cyrus Sandoval at driver ng Toyota Vios na si Edilberto Laroso.

Ang dalawa ay kapwa isinugod sa pagamutan ng rumespondeng ambulansya. Wasak na wasak ang dalawang Toyota dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga.

Maayos naman ang kundisyon ng driver ng isa pang sasakyang sangkot na isang Mitsubishi Montero na nakilalang si Peter Ulanday.

Ayon sa traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nawalan umano ng preno ang Toyota Corolla dahilan para banggain nito ang dalawang sasakyan.

Dahil sa nasabing aksidente umabot sa bahagi ng Greenmeadows ang tail end ng traffic sa C5 southbound mula pa lamang alas 4:30 ng umaga.

Pasado alas 5:00 na ng umaga ng maitabi ang mga sangkot na sasakyan.

TAGS: C5 Lanuza accident, C5 Lanuza accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.