Ballot printing matatapos sa April 25 ayon sa Comelec
Aabot sa halos 1.1 milyong balota ang naiimprinta ng National Printing Office (NPO) kada araw, ayon sa Commission on Elections.
Sa ngayon, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na nasa 11,346,352 na balota na ang naimprinta ng NPO.
Katumbas ito ng 17.82 porysento ng kabuuang bilang ng mga kakailanganing balota para sa midterm elections.
Kailangang makumpleto ng NPO ang pag-imprinta ng 63,662,481 na balota para sa 61,843,750 na rehistradong botante sa buong bansa.
Ani Jimenez, target na matapos ang pag-iimprinta ng mga balota sa April 25, 2019 at kaya umano nila itong maabot.
Dagdag pa nito, nauna nang natapos ang mga balotang gagamitin sa overseas voting noong February 16.
Sinimulan naman ang pag-iimprinta ng balota noong February 9, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.