Vietnam naghigpit ng seguridad para sa pulong nina Trump at Kim Jong Un

By Angellic Jordan February 25, 2019 - 03:50 PM

Naghahanda na ang mga opisyal ng Hanoi, Vietnam para sa idaraos na summit nina North Korean leader Kim Jong Un at United States President Donald Trump.

Sa isang press briefing, sinabi ni Vietnamese Deputy Minister of Foreign Affairs Le Hoai Trung na ipatutupad ang maximum level ng seguridad para sa dalawang lider.

Naglaan aniya sila ng sampung araw para matiyak ang mahigpit na seguridad sa summit.

Inanunsiyo rin ang ipatutupad na traffic ban sa posibleng ruta ng convoy ni Kim.

Ayon naman kay Nguyen Manh Hung, information ministry leader, aabot sa tatlong libong mamamahayang mula sa apatnapung bansa ang inaasahang pupunta sa Hanoi para i-cover ang Trump-Kim summit.

Isasagawa ang summit ng dalawang lider mula February 27 hanggang 28 ngayong taon.

Layunin ng pulong na pag-usapan ang ilang mga isyu na may kaugnayan sa tensyon sa Korean Peninsula at terorismo.

Ang naunang pulong nina Trump at Kim Jong Un ay naganap sa Singapore noong Hunyo, 2018.

TAGS: donald trump, hanoi, Kim Jong un, north korea, summit, Vietnam, donald trump, hanoi, Kim Jong un, north korea, summit, Vietnam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.