People Power Revolution, bigo sa layuning mabago ang Pilipinas
Bagaman tagumpay ang mga nagsi-aklas noon na patalsikin si dating Pangulong Ferdinand Marcos, bigo pa rin ang tunay na mithiin ng Edsa People Power Revolt noong 1986.
Ito ang pinaliwanag ni dating National Security Adviser Norberto Gonzales noong panahon ni dating pangulong Gloria Arroyo.
Ayon kay Gonzales, nagkawatak-watak ang mga lider na inaasahang maglalagay ng matibay na pundasyon para sa pagbabago at pagbabalik ng demokrasya sa bansa.
Hindi aniya handa ang mga nailagay na pinuno upang ayusin ang sistema at maipagpatuloy.
Paliwanag ni Gonzales, tanging grupo lamang ng mga taditional politicians ang handa noon na makakuha ng posisyon sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.