OIC sa Bangko Sentral itinalaga matapos pumanaw si BSP Gov. Nestor Espenilla Jr.
Matapos pumanaw si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla Jr., nagsagawa ng special meeting ang Monetary Board para maghirang ng uupong officer in charge.
Sa nasabing pulong, itinalaga si Deputy Governor Almasara Cyd Tuano-Amador bilang OIC sa BSP.
Effective immediately ang paghirang kay Amador habang wala pang naitatalang bagong BSP Governor si Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Amador ay nasa BSP na mula pa taong 1982.
Pumanaw si Espenilla matapos ang pakikipaglaban sa sakit na tongue cancer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.