Pangulong Duterte hindi makadadalo sa aktibidad sa EDSA anniversary

By Dona Dominguez-Cargullo February 25, 2019 - 06:43 AM

Nagpaliwanag ang Malakanyang sa hindi pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw sa selebrasyon sa EDSA People Power Anniversary.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dadalo ang pangulo sa 1st National Assembly of the Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa SMX Convention Center.

Sinabi ni Panelo na bagaman hindi magiging present physically ang pangulo sa paggunita sa anibersaryo ng People Power Revolution kaisa naman ito sa selebrasyon.

Patuloy din aniya ang paalala ng pangulo sa lahat na ang kasalukuyang pamahalaan ay bunga ng demokrasya.

Sa kaniyang mensahe para sa ika-33 anibersaryo ng EDSA revolution, pinuri ng pangulo kung paano ipinakita ng mga Pilipino sa mundo na maaaring mabago ang kasaysayan sa hindi marahasan na pamamaraan.

Ang maayos na EDSA revolution aniya ang nagbuklod sa mga Pilipino para muling ibangon ang Pilipinas noong February 1986.

TAGS: Edsa People Power Anniversary, National Assembly of the Liga ng mga Barangay, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Edsa People Power Anniversary, National Assembly of the Liga ng mga Barangay, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.