Presyo ng gasolina tumaas na ng mahigit P5/L mula noong Enero; diesel mahigit P4/L na ang itinaas

By Dona Dominguez-Cargullo February 25, 2019 - 06:30 AM

Simula noong Enero 2019 malaki na ang itinaas ng presyong produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Kasama na ang halaga ng itinaas dahil sa excise tax, umabot na sa P5.04 kada litro ang itinaas ng presyo ng gasolina; P4.44 kada litro sa diesel at P3.17 kada litro sa kerosene.

Bukas, nakaamba na naman ang isang malakihang dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa pagtaya ng oil industry sources, ang presyo ng gasolina ay tataas ng nasa P1.40 hanggang P1.75 kada litro, P1.40 hanggang P1.50 kada litro naman sa Diesel at P1.30 hanggang P1.40 sa kada litro ng kerosene.

TAGS: diesel, gasoline, oil price hike, oil products, Radyo Inquirer, diesel, gasoline, oil price hike, oil products, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.