Typhoon Wutip napanatili ang lakas, papasok sa bansa ngayong linggo
Nakatakdang pumasok sa bansa ngayong linggo ang bagyong binabantayan ng PAGASA na may International Name na Wutip.
Ayon sa 4am weather updateng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa 1,815 kilometers east ng Southern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 225 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Ayon kay PAGASA weather speacialist Ezra Bulquerin, sa Huwebes o Biyernes ay papasok sa bansa ang bagyo at papangalanan itong ‘Betty’.
Samantala sa pagtaya ng panahon ngayong araw naito, ang Bicol Region at mga lalawigan ng Aurora at Quezon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.
Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay bahagyang maulap na papawirin lamang din ang iiral dahil din sa Amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.